Minsa’y tinuran ng aking lolo na may
dalawang uri lang naman ng tao sa lipunan, ang mga nang-aapi at ang mga
nagpapaapi. At sa telenovela man o sa totoong buhay, ang taong mga salat sa
salapi, ang kadalasang api.
Sabi
nila, “money is the dirtiest thing in this world”, bakit nga naman hindi? Eh
samu’t-saring mga kamay ang pinagdadaanan nito at kung saan-saang lugar ito
napapadpad. Pero sa kabila nito, ang pera ay pinahahalagahan at minamahal ng
mga tao, at kadalasan, labis-labis pa nga di ba? Pero ika nga nila, lahat ng
labis ay masama.
Ayon
sa isang libro, “Love of money is the root of all evil, at the same time, lack
of money is the root of all evil.” Maraming tao ang sumasamba sa pera na siyang
nagtutulak sa kanila sa pagkapit sa patalim at gumawa ng mga krimen o anumang
illegal tulad ng pagnanakaw, pangongotong, korupsyon, prostitusyon at kahit
pagpatay sa kapwa tao nang dahil sap era.
Di
maitatanggi na ang pera ay talaga naming kailangan ng bawat isa para mabuhay.
Pano ba naman, wala ka na yatang makikitang libre ngayon sa mundo. Lahat ng
bagay may katapat na presyo! At nakalulungkot isipin na maging ang boto, dangal
at dignidad ng ilang kababaihan, edukasyon at hustisya ay pinipresyuhan na rin.
Kaya nga ganun-ganon na lang kung maliitin ng mayayaman ang mga mahihirap. Kasi
sagana sila sa bagay na tinuturing na pinakamakapangyarihan sa ngayon, ang
pera. Kaya ang ending, nakakaranas ng diskriminasyon ang mga mahihirap sa
maraming pagkakataon.
Sa
ilang ospital lang, pag mahirap ka at walang pera, asahan mo nang huli kang
mabibigyan ng serbisyong medical at ang mas malala. At ang mas malala, hindi
nila tutugunan ang iyong pangangailangan hangga’t wala kang pambayad.
Kadalasang hindi uso ang first come, “first serve policy”, sa halip ay “first payer, first serve”.
Pag
mayaman ang nahuling nagnakaw, kleptomaniac yan, pero pag mahirap ang nahuli,
samu’t-saring terminolohiya ang ibabansag sa kanya tulad ng magnanakaw,
kawatan, mandurugas at kung anu-ano pa.
Tunay
na napakalaki ng bahagi ng pera sa mundong ginagalawan natin. Masasabing ito
ang nakapagdidikta sa kung anung uri ng pamumuhay ang ating babagtasin. Ganun
pa man, ang realidad, ay mas maraming bagay ang mas mahalaga sa pera. Dahil ang
pera, nalulukot, napupunit at nawawala at higit sa lahat, ito ay may saysay
lamang sa ngayo dahil balewala na ang kahit sentimo sa eternal na buhay.
No comments:
Post a Comment